My Mom's Battle

I missed my mom a lot. It’s been 4 months since I leave the Philippines to settle my financial problems and of course to sustain her medical needs. Naging mabilis ang mga pangyayari na kahit ako, hindi ko napansin. Last year, my mom was diagnosed stage IV breast cancer. I know she wasn’t surprised dahil matagal na nyang alam na may bukol siya sa boobsie. Buhay pa ang dad (last 2004) may nakapa na siya. And because she was afraid for us to know, she asked her friends to look for a remedy. Pero dahil sa worth 25k biopsy, hindi nya tinuloy hanggang sa lumaki at lumala na. I can’t blame her for that because I know how afraid she was that time and all she need now is our support. And last year was the start of her battle.

I really admire my mom. The moment she told us her condition, is the only third time I saw her crying in my whole life. (The first was when I told her my dad died (DOA) and the second was on his interment.) But the day after, she became normal again as if nothing is wrong. I love the way she brings herself. I love her for being so positive that she easily accepted the truth. And I love her for being so brave. How I wish I could be like that.



Her first doctor is from Perpertual Help and dahil hindi ako palagay, we asked for a second opinion. We went to Asian Hospital and looked for a specialist. And dahil sa mahal nga dun, the specialist rather chose Makati Medical Center dahil mas maganda and maayos ang facilities nila dun. From then on, naging tambay na si mami ng Makati Med heheheh. Imagine, we are from Laguna pa ha? To make the story short, she undergoes several chemotherapies(?) for a total of eight. Yung lima dun, parang basic chemo lang and it costs 30k. Dahil mabagal ang effect nung gamot sa kanya though may improvement naman, binago yung gamot that costs 80k naman. Note: Hindi ako mayaman, it’s just that some TRUE people are helping me out on this. Hindi ko din akalain na nagagawan ko ng paraan yung mga amount na yun. Iba talaga kapag para sa magulang. You will do anything whatever it takes. Utang doon, utang dito. Diskarte doon, diskarte dito. Tapos naospital pa siya for 3 weeks. Butas doon, butas dito. Yan ang ginawa kay mami. Pero kahit ganun, hindi ko siya nakitang natakot, nakukuha pa nga nyang magpatawa. Lalong akong bumilib sa kanya dahil dun.

Oo nga pala, naging tambay din ako sa PCSO. Doon ko din napatunayan na we are still blessed dahil may mas malubha pa pala na problema kesa sa amin. If you have a family member/relatives who is suffering from diseases, feel free to ask on how to request for a medical support from PCSO. Baka makatulong ako.

Mami said to my bf that we are the reason, me and my bro why she is still fighting to this battle. And the reason why I am doing this (aside from I don’t want to lose her just like that) is because, I can see in her the desire to fight to be with us for a longer time.


A good friend once asked me: “Handa ka na ba sa pedeng mangyari?” Then I said: “Oo, ang importante wala kaming sinayang na oras at pagkakataon para hindi siya ipaglaban. Kung anuman ang mangyari, napatunanayan namin na naging mabuti kaming anak sa kanya at hindi namin siya pinabayaan. Wala akong pagsisihan sa huli.”

UPDATE: Hindi na namin siya pinachemo dahil sa nakikita ko mas humihina si mami dahil dun. Kaya sinusubukan namin ngayon ang Alternative Medicine. It is safer dahil herbal ang mga gamot nila. Yun nga lang, kelangan nya ng strict diet. Maraming bawal na pagkain at kelangan laging fresh. Pero ok lang yun sa kanya, this is to prevent spreading of the cancer cells to her body. I just hope it would help her to survive or to live longer.

May I take this opportunity to thank those people who are really concerned to my mom. Hindi na siguro kelangan isa isa ko pa kayo para pasalamatan. You know who you are. Salamat dun sa mga taong tumulong samin financially. Dun sa mga taong pinalalakas ang loob ko tas sasabihin na “Kaya mo yan, kaw pa.” Salamat. Malaking bagay sakin to. Yung mga taong laging kinakamusta si mami, salamat din. At least alam ko na naiisip nyo si mami at concerned kayo sa kanya. Dun sa mga madalas bumisita kay mami kahit andito na ko, salamat mga tol. Salamat sa pang aaliw sa kanya. May chocolates kayo sakin hehehe.

Salamat sa mga prayers. Salamat sa concern. Salamat salamat. Kampai!

0 comments:

Related Posts with Thumbnails