Pero hindi naman ako namatay. Pero kung ipagpapatuloy ko pa din ang isang bagay na inakala ko ay malamang dun din ang punta ko ehehehe. Mamamatay ako sa pagod!
Napagpasyahan kong manirahan sa Dubai despite the fact na sa Abu Dhabi ako nagtatrabaho. Maraming tao ang against dahil nakakapagod daw at mas magastos. Ewan ko ba pero tinuloy ko pa din un. Gusto ko kasing maranasan kung pano naman sa Dubai. Matigas talaga ang ulo ko e hehehe. So I stayed with one of my classmates in Dubai. Nung una, naenjoy ko ang 1 ½ hours na byahe sa car, 30-45 minutes sa Metro (LRT sa Pinas) at 20-30 minutes na lakad with matching Pakistanis as tambay. (sabi ng kaibigan ko: "Neng hindi to nilalakad, sinasakyan to!!") Makakarating ka around 8:30pm, matutulog ng 10pm, gigising ng 4am, magwawalkathon ng 5:15am sa bus station para habulin ang bus #10 at 6:28am. At kapag hindi mo to naabutan, taxi ang kababagsakan mo at gagastos ka not more than 20dhs. Ang pamasahe lang sa bus e 2dhs, o ha?? Sa pinoy na tulad ko e mas gugustuhin mo ng magwalkathon kesa sa magtaxi.
Pero nung 3rd day ko na, bigla akong binatukan ng konsensya ko at sinabing “Gaga ka! Bakit ka ba nagpapakahirap??” Pano ba naman e talagang uuwi kang lulugo lugo. At wala ka ng ibang iisipin kundi ang kama lang. Pero ko siya pinansin, pinabayaan ko lang. Kiber lang!
Pero nung kinabukasan, oo naabutan ko yung bus, pero nung pagtapat ko ng bus card sa detector sumting, toooot! INSUFFICIENT BALANCE!! Kapag wala kang load, hindi mo pedeng pakiusapan ang bus driver na saka na ang bayad. Walang babae o pakyut o paseksi sa mata ng bus driver. Kahit gawin ko pa sa kanya ang aking super duper cute deadly smile, e baka itapon pa ko nun palabas ng bus. So sa taxi din ang bagsak namin, nakakahiya tuloy sa mga kasama ko. Haay. Nasayang ang pagod kong habulin ang bus, nasayang din ang oras ng mga kasama ko. At noon din ay bigla ulit kumatok si konsensya at sinabing “Buti nga sayo, bwehehehe.”
Akala ko kasi makakaya ko. Hindi pala! ehehehe
Dun na ko nag-isip. Tinimbang ang mga bagay bagay. Ano ba ang mga rason? Laging pagod sa byahe, doble sa gastos, laging kulang ang tulog,stressful, at delikado ang mga dinadaanan. At nagdesisyon na nga akong bumalik sa Abu Dhabi in an instant! Naghanap ng mura na bedspace sa friendster.com at viola! Sinuwerte akong magkaroon ng malinis at maayos na tirahan. With matching new batch of friends. :)
At ngayong andito na ko sa Abu Dhabi, nag iisip tuloy ako kung babalik ulit ako ng DUBAI. :))
0 comments:
Post a Comment