Yey! We are turning 2!


PROVEN: “Maraming namamatay sa MALING akala. “


Pero hindi naman ako namatay. Pero kung ipagpapatuloy ko pa din ang isang bagay na inakala ko ay malamang dun din ang punta ko ehehehe. Mamamatay ako sa pagod!

Napagpasyahan kong manirahan sa Dubai despite the fact na sa Abu Dhabi ako nagtatrabaho. Maraming tao ang against dahil nakakapagod daw at mas magastos. Ewan ko ba pero tinuloy ko pa din un. Gusto ko kasing maranasan kung pano naman sa Dubai. Matigas talaga ang ulo ko e hehehe. So I stayed with one of my classmates in Dubai. Nung una, naenjoy ko ang 1 ½ hours na byahe sa car, 30-45 minutes sa Metro (LRT sa Pinas) at 20-30 minutes na lakad with matching Pakistanis as tambay. (sabi ng kaibigan ko: "Neng hindi to nilalakad, sinasakyan to!!") Makakarating ka around 8:30pm, matutulog ng 10pm, gigising ng 4am, magwawalkathon ng 5:15am sa bus station para habulin ang bus #10 at 6:28am. At kapag hindi mo to naabutan, taxi ang kababagsakan mo at gagastos ka not more than 20dhs. Ang pamasahe lang sa bus e 2dhs, o ha?? Sa pinoy na tulad ko e mas gugustuhin mo ng magwalkathon kesa sa magtaxi.

Pero nung 3rd day ko na, bigla akong binatukan ng konsensya ko at sinabing “Gaga ka! Bakit ka ba nagpapakahirap??” Pano ba naman e talagang uuwi kang lulugo lugo. At wala ka ng ibang iisipin kundi ang kama lang. Pero ko siya pinansin, pinabayaan ko lang. Kiber lang!

Pero nung kinabukasan, oo naabutan ko yung bus, pero nung pagtapat ko ng bus card sa detector sumting, toooot! INSUFFICIENT BALANCE!! Kapag wala kang load, hindi mo pedeng pakiusapan ang bus driver na saka na ang bayad. Walang babae o pakyut o paseksi sa mata ng bus driver. Kahit gawin ko pa sa kanya ang aking super duper cute deadly smile, e baka itapon pa ko nun palabas ng bus. So sa taxi din ang bagsak namin, nakakahiya tuloy sa mga kasama ko. Haay. Nasayang ang pagod kong habulin ang bus, nasayang din ang oras ng mga kasama ko. At noon din ay bigla ulit kumatok si konsensya at sinabing “Buti nga sayo, bwehehehe.”

Akala ko kasi makakaya ko. Hindi pala! ehehehe

Dun na ko nag-isip. Tinimbang ang mga bagay bagay. Ano ba ang mga rason? Laging pagod sa byahe, doble sa gastos, laging kulang ang tulog,stressful, at delikado ang mga dinadaanan. At nagdesisyon na nga akong bumalik sa Abu Dhabi in an instant! Naghanap ng mura na bedspace sa friendster.com at viola! Sinuwerte akong magkaroon ng malinis at maayos na tirahan. With matching new batch of friends. :)

At ngayong andito na ko sa Abu Dhabi, nag iisip tuloy ako kung babalik ulit ako ng DUBAI. :))

YAN ANG MAMI KO! ATAPANG NA TAO!


Mom is on her third day in the hospital. Both of her lungs and heart area was filled with water that she gasped her breath for almost three days. It is her second time; the first was 7 months ago. Alam naming may possibility na maulit yun dahil hindi na namin siya pinachechemo, she undergo alternative medicine for 3 months now. However, her cancer cells still produce water that filled both of her lungs and heart area. I have no idea how this alternative medicines works, what I only know is their medicines are made from herbal. Which I think is safer than chemotherapy. Pero pareho sila ng presyo kung tutuusin. Sa alternative med, hindi lang basta isa ang gamot mo kundi sangkatutak.

Now, mom is doing well as she always does. Sinaid na daw yung tubig sa lungs nya, may butas na kasi yun dati kaya siguro dun na lang pinadaan yung tubo pang alis ng tubig. Sa OR pa lang, inubos na daw nila yung tubig. Good. Sa heart area naman, before she had her major operation sa puso. They made a PERICARDIAL WINDOW sa sac ng heart para in case nga daw na magkaroon ulit ng tubig, madali ng maalisan. And ngayon magagamit na nga nila yun. So minor operation na lang daw ang gagawin this time.

I truly truly admire mom, dahil sa dami ng pinagdadaanan nya; sa dami ng hiwa at turok na ginagawa sa kanya, she can stand still and fight for her life. Naisip ko pano kaya kung ako ang nakakaranas nun. Malamang di ko kayanin. And I am very proud to have her as my mom. She’s the best mom ever.

People come and go to our lives. When my dad died 5 years ago, I thought now one can ever loved us the way he did, but I’m wrong. I am so overwhelmed knowing that sooo many people love us. Many people pray for my mom’s recovery and I am very thankful for that. Salamat talaga.

After this, it might happen again. Hindi pa magaling yung mismong cancer nya. We are praying that alternative medicine would work for her. And please don’t get tired praying for her recovery. We all know that prayer is the most powerful medicine and miracles truly happen. :)


WALANG BASAGAN NG TRIP MEN!

Facebook.com. Pinakasikat na online community sa panahon ngayon. I think it was established 2-3years ago at madali nyang nasapawan ang dating namamayagpag na Friendster.com. Tulad ng Friendster, maaari mong makita ang mga old and new friends mo. Pede ka din mag-add ng mga users kahit di mo sila personal na kakilala. You can add photos, videos etc. Teka, wala naman siguro sa atin ang hindi nakakaalam sa website na Facebook.

So what’s my damn point?

Marami ding naglilipana sa facebook na mga GROUPS at Fan Page. Mapaartista man o kung sino sino lang. Pagdating naman sa mga groups, kahit anong trip mong maging grupo e ok lang. wala naman kasing rules sa paggawa ng mga yun.

May isa akong sinalihang group, its something like JEJE BUSTERS. At first I enjoyed being with that group pero nitong huli lang, mejo naiinis na ko. They posts friendster private profiles whom they believe, jejemons. Ang hindi ko nagustuhan ay kung gaano kalupit (oo malupit talaga) ang mga members magcomment. Nakakabasa pa ko ng mga bad words tsk tsk. Talagang nakakairita pag magbabasa ka ng JEJEJE imbis na HEHEHE at marami pang mind boggling vocabulary. Pero it is their lifestyle. We are on a democratic country and we should respect each other “trip”. WALANG BASAGAN NG TRIP, ika nga. Kung ayaw mo ang trip nila then don’t mind them. You are not really affected the way they write (alangan naman pati pagsasalita e JEJE pa din heheh). They don’t affect how our president decides for our country or the oil price hike. And besides, tagabasa lang naman tayo diba? Hindi nyo ba naisip ang magiging pakiramdam ng mga taong pinopost nyo sa group nyo pag nalamang ginaganun nyo sila? Siguro sa iba, they don’t give it a damn pero pano sa nakakarami. Mga kabataan halos silang nakikiuso sa JEJEMON fever.

Eto pa, I saw this group, MGA BABAENG MUKHANG LALAKI. Ugh. Ang sakit isipin na babae pa ang naging subject nila. Siguro naman pede ding silang gumawa ng MGA LALAKING MUKHANG BABAE diba? I don’t know kung san nila pinagkukuha yun, o hindi kaya e sarili nilang mga friends un. Kung malulupit sa JEJEM BUSTER, mas malupit sila. Na akala mo ay sila na ang napakaperpektong nagawa ng dios. Sa totoo lang naaawa ako dun sa mga pinopost nila, mga walang kamuang muang na halos yurakan na ang pagkatao dahil sa kanilang itsura. Deymn. Guys before commenting like that, please make sure na 100% kahawig nyo si Brad Pitt, Anne Curtis, Bea Alonzo o si Piolo. Pero kung lamang lang kayo ng isa o dalawang paligo sa mga subject nyo, then shut your mouth. Pano na lang kung kayo yung mga asa picture? Think about it be please respect them.

If anyone from those groups read about this, WALANG BASAGAN NG TRIP. Hindi ko din babasagin ang trip nyo, blog at comment ko din to. Kaya peace out. Hehehe.

Shukran!

Am I Really into Blogging??

I just made a new blog about my movie reviews. Since I watch movies almost every day, why not making reviews and put it in a blog. At least hindi lang ako ang nakakalaam ng comment ko sa isang movie, kundi kayong lahat. Kinda useful diba? Guys, comments and suggestions are welcome!

MY MOVIE REVIEWS

And now, I’m planning to make another blog for my pictures (photo blog). It is easier for me dahil nagkkwento na lang naman ako dito. May sense man o wala yung kwento ko, ang importante lang naman e yung picture. Ehehehe.

So ayun. Goodluck to my blogging career! Cheers!

Cheesy lines that I found soooo cheesy!



  1. Asthma ka ba, cause you take my breath away.
  2. Centrum ka ba, cause you make my life COMPLETE.
  3. Parang milo ka kasi e, babe I need you everyday.
  4. Are you a map, cause im lost without you.
  5. Are you Jamaican, cause you Jamaican me crazy.
  6. If nothing last forever, then I would be nothing.
  7. Babe catsup ka ba? Pasawsaw naman.
  8. Babe are you a crystal ball, cause I see my future with you.
  9. Babe I’m a bad shooter, cause I always missing you.


Sasabihin ng iba corny pero kapag first time mo lang narinig to at galing sa boyfie mo, talagang kikiligin ka heheh.

At Last, The reason of Cancer has been discovered!


This is an article that should be sent to anyone important in your life!
John Hopkins Hospital Update- Circulation Purpose

1. No plastic containers in micro.

‎2. No water bottles in freezer .

‎3. No plastic wrap in microwav ..

Dioxin chemicals cause cancer, especially breast cancer ..

‎Dioxins are highly poisonous to the cells of our bodies. Don't freeze your plastic bottles with water in them as this releases dioxins from the plastic ..

‎Recently, Dr. Edward Fujimot! o, Wellness Program Manager at Castle Hospital , was on a TV program to explain this health hazard. He talked about dioxins and how bad they are for us .

‎He said that we should not be heating our food in the microwave using plastic containers ..

‎This especially applies to foods that contain fat ..

He said that the combination of fat, high heat, and plastics releases dioxin into the food and ultimately into the cells of the body .

‎Instead, he recommends using glass, such as Corning Ware, Pyrex or ceramic containers for heating food. You get the same results, only without the dioxin. So such things as TV dinners, instant ramen and soups, etc., should be removed from the container and heated in something else .

‎Paper isn't bad but you don't know what is in the paper. It's just safer to use tempered glass, Corning Ware, etc .

‎He reminded us that a while ago some of the fast food restaurants moved away from the foam containers to paper. The dioxin problem is one of the reasons ..

‎Also, he pointed out that plastic wrap, such as Saran, is just as dangerous when placed over foods to be cooked in the microwave. As the food is nuked , the high heat causes poisonous toxins to actually melt out of the plastic wrap and drip into the food .
Cover food with a paper towel instead .

‎This is an article that should be sent to anyone important in your life !


Related Posts with Thumbnails