Showing posts with label opinion. Show all posts
Showing posts with label opinion. Show all posts

WALANG BASAGAN NG TRIP MEN!

Facebook.com. Pinakasikat na online community sa panahon ngayon. I think it was established 2-3years ago at madali nyang nasapawan ang dating namamayagpag na Friendster.com. Tulad ng Friendster, maaari mong makita ang mga old and new friends mo. Pede ka din mag-add ng mga users kahit di mo sila personal na kakilala. You can add photos, videos etc. Teka, wala naman siguro sa atin ang hindi nakakaalam sa website na Facebook.

So what’s my damn point?

Marami ding naglilipana sa facebook na mga GROUPS at Fan Page. Mapaartista man o kung sino sino lang. Pagdating naman sa mga groups, kahit anong trip mong maging grupo e ok lang. wala naman kasing rules sa paggawa ng mga yun.

May isa akong sinalihang group, its something like JEJE BUSTERS. At first I enjoyed being with that group pero nitong huli lang, mejo naiinis na ko. They posts friendster private profiles whom they believe, jejemons. Ang hindi ko nagustuhan ay kung gaano kalupit (oo malupit talaga) ang mga members magcomment. Nakakabasa pa ko ng mga bad words tsk tsk. Talagang nakakairita pag magbabasa ka ng JEJEJE imbis na HEHEHE at marami pang mind boggling vocabulary. Pero it is their lifestyle. We are on a democratic country and we should respect each other “trip”. WALANG BASAGAN NG TRIP, ika nga. Kung ayaw mo ang trip nila then don’t mind them. You are not really affected the way they write (alangan naman pati pagsasalita e JEJE pa din heheh). They don’t affect how our president decides for our country or the oil price hike. And besides, tagabasa lang naman tayo diba? Hindi nyo ba naisip ang magiging pakiramdam ng mga taong pinopost nyo sa group nyo pag nalamang ginaganun nyo sila? Siguro sa iba, they don’t give it a damn pero pano sa nakakarami. Mga kabataan halos silang nakikiuso sa JEJEMON fever.

Eto pa, I saw this group, MGA BABAENG MUKHANG LALAKI. Ugh. Ang sakit isipin na babae pa ang naging subject nila. Siguro naman pede ding silang gumawa ng MGA LALAKING MUKHANG BABAE diba? I don’t know kung san nila pinagkukuha yun, o hindi kaya e sarili nilang mga friends un. Kung malulupit sa JEJEM BUSTER, mas malupit sila. Na akala mo ay sila na ang napakaperpektong nagawa ng dios. Sa totoo lang naaawa ako dun sa mga pinopost nila, mga walang kamuang muang na halos yurakan na ang pagkatao dahil sa kanilang itsura. Deymn. Guys before commenting like that, please make sure na 100% kahawig nyo si Brad Pitt, Anne Curtis, Bea Alonzo o si Piolo. Pero kung lamang lang kayo ng isa o dalawang paligo sa mga subject nyo, then shut your mouth. Pano na lang kung kayo yung mga asa picture? Think about it be please respect them.

If anyone from those groups read about this, WALANG BASAGAN NG TRIP. Hindi ko din babasagin ang trip nyo, blog at comment ko din to. Kaya peace out. Hehehe.

Shukran!

Assure, Believe, Convert

“Religions assure salvation; religions believe in a precise theology; and religions convert nonbelievers.” – Robert Langdon, The Lost Symbol



I’m not really a religious one but I do believe in God, heaven and hell, angels and demons etc. But if you’ll ask me now about bible and its verses, honestly I can’t answer that. But when I was young, I used to read my grandparents’ bible when I stay with them during weekends. I get the bible in their room and go to their “ownertype” jeepney to read some of its part. I’m not after the verses or good sayings but on their stories. And now that I’m old, I haven’t had the chance or time (or should I say; I don’t make time) reading my own bible. Yeah I know it is not good. Sabi nga nila, kailangan nating magbasa ng bible na kahit isang verse araw araw. But I’m very sure that I’m not the only one who’s not reading it. (Admit it!)


My mom and bro are members of PREX (Parishal Renewal Experience) for a long time. And I’m the only one (aside from dad) who’s not into it. Though sometimes, I want to experience they had during the seminar. I know after that, they felt the lightness in their heart. The great feeling of knowing….(what??). I just saw it in their eyes because they never told me what’s happening in the seminar. Basta pag uwi nila nakasmile sila hehehe. It is a very big SECRET daw! I only attended their so-called graduation after 2 days of “enlightment” (I guess.) And I am very proud of them. :)

Since I was born as a Roman Catholic, matanong ako to other religions. Matanong not in a way of comparing my religion to theirs. Kasi iba iba talaga sila. I met a lot of people who’s in INC (Iglesia ni Cristo), Saksi ni Jehovah (Jehovah’s Witnesses), Mormones, Dating Daan, etc. I enjoyed listening to their beliefs and POVs. Wala lang. Minsan nga lang nagkakaroon kami (lahat kami sama-sama sa trabaho) ng debate kasi iisa lang din naman ang sinusunod ng halos lahat ng religion, the holy bible. Pag may debate na, out na ko. Hehehe. ala talaga ako ibubuga pagdating sa bible.

Ang sa akin lang naman, kahit saang religion ka pa andun. RESPECT. Panget naman kung binabatikos mo yung paniniwala ng ibang religion diba? Like there is a program in Net25 ata yun. INC intrigues the DD beliefs. Natatawa na lang ako kasi pinapanood ni mami hehehe. I have nothing against INC, yun nga lang kanya kanya naman kasi tayong paniniwala. What’s the big deal? Mga DD members lang naman ang apektado sa mga paniniwala nila diba? *enough said*

Ako naman, masaya kung ano man ang mga paniniwala ko. Hangga’t andyan si Lord to give thanks, to ask for His forgiveness and ask for more blessings in life, I’m contented. Amen. :)

Akala nyo masarap maging OFW? Hindi no!

MOOD: Kelan lang ako napadpad dito sa UAE, 3months? At kung tutuusin hindi pa ko ganap na OFW. Bakit? Kelangan daw kasi nakaregister ka sa OWWA as OFW. E kelan ko pa magagawa yun kundi sa pag uwi ko pa. Pero sa puso at isipan, at sa tingin ng ibang tao: “OO, OFW AKO!”

Akala ko dati, masarap ang maging OFW. Shempre dahil mas malaki ang pede mong kitain sa ibang bansa kesa sa Pilipinas. Tas pag uwi mo, sikat ka dahil iisipin ng mga tao maraming kang pera. Marami kang chocolates, appliances, damit, sapatos, de lata at kung ano ano pa galing abroad. Pero naisip ba ng mga tao kung anong klaseng buhay ang naranasan nya para lang magkaroon ang pamilya nya ng magandang buhay? Sa palagay ko hinde. Kung oo man, kaunti lang. Shempre dahil nasisilaw sila sa mga bagay na nabanggit ko.

Iba talaga kapag nasa Pilipinas o sa homeland mo. iba yung pag uwi mo ng bahay, makakarelax ka talaga. Feel at home, ika nga. Iba yung pakiramdam na sarili mong pamilya ang sasalubong sayo pag uwi at pagsisilbihan ka. (Nakakaamoy ka ba ng homesick? Ehehehe) Pero dahil nga ang priority mo sa pagiging OFW e ang sarili mong pamilya sa Pinas e talagang magtitiis tayo. *tiis tiis tiis*

Shempre trabaho din ang ipinunta mo kapag umalis ka ng Pinas. Mas maswerte ka kung yung sasahurin mo e napakalaki talaga. Pero kung mga ilang porsiyento lang tulad ng 10 to 30% ang itinaas ng sahod mo sa Pinas e wag na lang. Hindi praktikal dahil yung porsiyentong yun kayang kaya mong kitain in the future (e.g. increment o appraisal) sa Pilipinas. isipin mo na lang na makakahiwalay mo ang pamilya mo nang dahil sa ilang libo lang. Think about it.

Yung iba naman, naghahanap ng mapapangasawa para lang makapag abroad. Ay napakadali lang nun. Sign up ka sa yahoo messenger. Learn how to join chat room, be online everyday and viola! Ilang buwan lang o linggo me prospect ka na. Kung maging okay ang naging partner mo online eventually he/she will invite you to migrate to their place. And that’s it.

Hindi ko naranasang mag-exit. It comes when your visa (Tourist / Visit) is about to expire and you have to leave the country for a couple of days. After that, either employment (if you already have your employer )o kaya ay extended tourist visa ang ibibigay sayo. Sabi nga nila, kapag hindi ka nag-exit you missed half of middle-east life. Gusto ko sana itry if chances permitted me. Kaso dahil magaling ang PRO ng kumpanya namin, nagawan nya agad ng paraan ang employment visa ko. Kung mag eexit ka daw, its either Oman or Kish Island. Plano ko nun Oman kasi may kaibigan ako dun, so habang andun sana ako makakapamasyal ako ng kaunti. So wala akong idea kung sa Kish Island man ako mapunta. Sabi nila, magsstay ka daw sa hotel. Sabi ko bongga hotel ha? Pero ung hotel na yun marami kang makakasama na nag eexit din. Dun ka daw makakarinig ng malulungkot na karanasan. Meron daw dun ilang buwan nang naandun dahil wala silang nakitang trabaho nung ok pa yung visa nila. Yung iba naman, pinangakuan ng visa ng employer tas ayun tinaktbuhan din naman. Yung iba daw dun nagsusuicide dahil sa kawalan na ng pag asa. At ung iba, nagsisideline dun para lang may pambayad sa hotel. Imagine, yung kinikita nya sa sideline ay pambayad lang sa tinitirhan nya. naisip ko bakit hindi na lang sila umuwi ng pilipinas diba? I cannot say much about this kasi nga di ko naman naranasang mag exit. I’m still very lucky.

Sinasabi nila na ang tirahan daw sa dubai e parang bahay ng kalapati, pedeng totoo. Bakit? Sa sobrang mahal ng accommodation ditto, mapagtyatyagaan mo na lang talaga. Lalo na kung lagi ka na lang nagcoconvert sa bawat bili mo. Mahal talaga. Mura dito ang pagkain, kung tutuusin nga sa baryang 5dirhams e busog ka na. Pero kung icoconvert mo ang 5 times 12.52, 62.6php ang simpleng pagkain mo. The key: do not convert. Kasi kung lagi ka na lang magcoconvert baka dumating yung araw na hindi na ka talaga bumili. Ikaw na tong malayo sa pamilya, gutom ka pa. How pathetic! Tsk.

The good side of being an OFW:

  1. Good salary. You can give your family a good life.
  2. You are in a new place. Lahat sayo bago. Lahat katutuwaan mo. Pero pag nagtagal ka na e for sure magsasawa ka na.

Bad side:

  1. You and your family are MILES apart.
  2. Kung mahina ang loob mo, HOMESICK.
  3. If you need them, wala kang magagawa kundi ang magmukmok na lang.
  4. LDR (Long Distant Relationship). Kung mahina ang foundation nyo as couple. Asahan mo, tapos kayo. Muhahaha!


That’s my list for the meantime. I’ll just add some kung may mapansin o maramdaman ako.

Based lang to sa experience ko ha? Shukran!

Related Posts with Thumbnails