Akala nyo masarap maging OFW? Hindi no!

MOOD: Kelan lang ako napadpad dito sa UAE, 3months? At kung tutuusin hindi pa ko ganap na OFW. Bakit? Kelangan daw kasi nakaregister ka sa OWWA as OFW. E kelan ko pa magagawa yun kundi sa pag uwi ko pa. Pero sa puso at isipan, at sa tingin ng ibang tao: “OO, OFW AKO!”

Akala ko dati, masarap ang maging OFW. Shempre dahil mas malaki ang pede mong kitain sa ibang bansa kesa sa Pilipinas. Tas pag uwi mo, sikat ka dahil iisipin ng mga tao maraming kang pera. Marami kang chocolates, appliances, damit, sapatos, de lata at kung ano ano pa galing abroad. Pero naisip ba ng mga tao kung anong klaseng buhay ang naranasan nya para lang magkaroon ang pamilya nya ng magandang buhay? Sa palagay ko hinde. Kung oo man, kaunti lang. Shempre dahil nasisilaw sila sa mga bagay na nabanggit ko.

Iba talaga kapag nasa Pilipinas o sa homeland mo. iba yung pag uwi mo ng bahay, makakarelax ka talaga. Feel at home, ika nga. Iba yung pakiramdam na sarili mong pamilya ang sasalubong sayo pag uwi at pagsisilbihan ka. (Nakakaamoy ka ba ng homesick? Ehehehe) Pero dahil nga ang priority mo sa pagiging OFW e ang sarili mong pamilya sa Pinas e talagang magtitiis tayo. *tiis tiis tiis*

Shempre trabaho din ang ipinunta mo kapag umalis ka ng Pinas. Mas maswerte ka kung yung sasahurin mo e napakalaki talaga. Pero kung mga ilang porsiyento lang tulad ng 10 to 30% ang itinaas ng sahod mo sa Pinas e wag na lang. Hindi praktikal dahil yung porsiyentong yun kayang kaya mong kitain in the future (e.g. increment o appraisal) sa Pilipinas. isipin mo na lang na makakahiwalay mo ang pamilya mo nang dahil sa ilang libo lang. Think about it.

Yung iba naman, naghahanap ng mapapangasawa para lang makapag abroad. Ay napakadali lang nun. Sign up ka sa yahoo messenger. Learn how to join chat room, be online everyday and viola! Ilang buwan lang o linggo me prospect ka na. Kung maging okay ang naging partner mo online eventually he/she will invite you to migrate to their place. And that’s it.

Hindi ko naranasang mag-exit. It comes when your visa (Tourist / Visit) is about to expire and you have to leave the country for a couple of days. After that, either employment (if you already have your employer )o kaya ay extended tourist visa ang ibibigay sayo. Sabi nga nila, kapag hindi ka nag-exit you missed half of middle-east life. Gusto ko sana itry if chances permitted me. Kaso dahil magaling ang PRO ng kumpanya namin, nagawan nya agad ng paraan ang employment visa ko. Kung mag eexit ka daw, its either Oman or Kish Island. Plano ko nun Oman kasi may kaibigan ako dun, so habang andun sana ako makakapamasyal ako ng kaunti. So wala akong idea kung sa Kish Island man ako mapunta. Sabi nila, magsstay ka daw sa hotel. Sabi ko bongga hotel ha? Pero ung hotel na yun marami kang makakasama na nag eexit din. Dun ka daw makakarinig ng malulungkot na karanasan. Meron daw dun ilang buwan nang naandun dahil wala silang nakitang trabaho nung ok pa yung visa nila. Yung iba naman, pinangakuan ng visa ng employer tas ayun tinaktbuhan din naman. Yung iba daw dun nagsusuicide dahil sa kawalan na ng pag asa. At ung iba, nagsisideline dun para lang may pambayad sa hotel. Imagine, yung kinikita nya sa sideline ay pambayad lang sa tinitirhan nya. naisip ko bakit hindi na lang sila umuwi ng pilipinas diba? I cannot say much about this kasi nga di ko naman naranasang mag exit. I’m still very lucky.

Sinasabi nila na ang tirahan daw sa dubai e parang bahay ng kalapati, pedeng totoo. Bakit? Sa sobrang mahal ng accommodation ditto, mapagtyatyagaan mo na lang talaga. Lalo na kung lagi ka na lang nagcoconvert sa bawat bili mo. Mahal talaga. Mura dito ang pagkain, kung tutuusin nga sa baryang 5dirhams e busog ka na. Pero kung icoconvert mo ang 5 times 12.52, 62.6php ang simpleng pagkain mo. The key: do not convert. Kasi kung lagi ka na lang magcoconvert baka dumating yung araw na hindi na ka talaga bumili. Ikaw na tong malayo sa pamilya, gutom ka pa. How pathetic! Tsk.

The good side of being an OFW:

  1. Good salary. You can give your family a good life.
  2. You are in a new place. Lahat sayo bago. Lahat katutuwaan mo. Pero pag nagtagal ka na e for sure magsasawa ka na.

Bad side:

  1. You and your family are MILES apart.
  2. Kung mahina ang loob mo, HOMESICK.
  3. If you need them, wala kang magagawa kundi ang magmukmok na lang.
  4. LDR (Long Distant Relationship). Kung mahina ang foundation nyo as couple. Asahan mo, tapos kayo. Muhahaha!


That’s my list for the meantime. I’ll just add some kung may mapansin o maramdaman ako.

Based lang to sa experience ko ha? Shukran!

0 comments:

Related Posts with Thumbnails