Babala! Please read.

Got this e-mail from a friend. Please take time to read. Also inform your friends and relatives about this news. Nakakatakot.

Please forward this e-mail to your family and friends here in Abu Dhabi . I heard many relevant cases sa sinabi ni Bro. Edgar sa message na’to. Kelangan ang ibayong pag- iingat lalo na nang mga babae. Kung ang mga lalaki nababastos ng mga patan sa loob ng taxi lalo na ang mga babae. Your extreme awareness and security ang pinaka-importante sa lahat.. Sabi sa The National 97% feel safe in UAE and 48% among of those are from Asian Countries na may mga contributing factors pa bakit gustong gusto nilang nirerape ang mga Filipina. And to give more emphasis sa kasong to, may isang 4 year old boy na nirape ng isang Patan, sa loob mismo ng washing area ng Masjid (mosque). Ganun katindi ang kaso ng rape dito, pero napaka-seldom ko lang makabasa ng article stating that a Filipina was raped. And I am very suspicious that the government, media and newspaper are playing an important role kung bakit ganito ang nangyayari dito and normally they were just leave the case undone.

Mag-ingat kayo and don’t fail to ask from Him the security and wisdom we need sa mga ganitong pangyayari.

_________________________________________________________________________

I would like just to convey to Fr. Troy and to our new Ambassador sana po ay bigyan ng emphasis ang pagiging aware at vigilant ng mga OFWs dito sa Abu Dhabi .


Sana po sa pamamagitan ng ating misa ay muling mapaalalahanan or ma remind ang mga pinoy na lagi po sanang maging maingat lalo na yung mga baguhan at visit visa dito sa Abu Dhabi .


Two days ago dalawang Pinay na naman po daw ang na raped as in na GANG RAPE ng mga patan sa likod daw banda ng MARINA MALL area.


Awa naman ng Diyos nabuhay po ang isa at nasa Sheik Khalifa Hospital daw at ginagamot na at unfortunately namatay daw po ang isa.


They were badly sodomised.


This information is reliable considering na classmate ng anak ng ka officemate ko whose mother is working sa Sheik Khalifa Hospital ang nag informed.


Last month naman po napabalita dito sa mussafa na 2 pinay din ang na gang raped ng mga patan.


Allegedly, lasing daw ang 2 pinay ng umuwi at sumakay ng taxi with a patan driver and unknowingly this driver contacted his gang along the way and brought the 2 drunk ladies in a highly secluded area and alternately, the ten patan haplessly feasted on them.


Yung isa daw na detached ang nipple at namatay sa mga suntok at iba pang severe physical abuses. Yung isa pretended daw na patay na kaya iniwan and she survived.
Kahapon po sa misa, isang Pinoy naman ang missing at 2 weeks na itong continuously being announced in the Tagalog mass.


I don't want create panic or to spread fear, but we should be open minded in this reality. Mas marami pa siguro kayong alam na balita tungkol dito.


My point here is sana magkaroon ng thorough awareness ang mga Pinoy dito sa abu dhabi na maging maingat at vigilant.


Yan lang po. Good day.


Bro Edgar.

Totoo pala. Dati sa tuwing makakarinig ako non, parang wala akong pakialam. Siguro dahil alam kong safe naman ako sa kinalulugaran ko. Pero nung nabasa ko to, malapit sa amin at yung lugar ng pinangyarihan ay napuntahan na namin. Parang ayoko ng lumabas. Mabuti na lang hindi nila ako pinapayagang lumabas mag isa. Paglabas mo kasi ng bahay/flat, naglilipana ang mga tambay na patan (Pakistani). Base sa mga naririnig ko, they are the most dangerous race/nationality/animal hehehe in UAE. Sila daw yung mga nanghahabol. Marami na din akong narinig sa mga kasamahan ko dito about their encounter with the f&*^(ng patans. Yung bigla ka na lang daw hahawakan sa pwet. Bigla ka na lang susundan sa pupuntahan mo. Nakakatakot talaga. Lalo na kung mag-isa ka lang. Naranasan ko na din pero di ko alam kung patan ba o hindi, sinalubong nya ko at may sinabi. Hindi ko naintindihan dahil ibang salita. Ayun, binilisan ko ang lakad. Sabi nga ni boyfie, “uhaw sa laman mga lalaki dyan.” Kaya hindi talaga ako nagsusuot ng short na short pag lalabas. Hindi din ako nagssmile. Lagi akong nakamangot, baka daw kasi may mahook ako ehehehe.


Sabi din nila, wag kang sasakay ng taxi mag-isa. Kahit naman ata sa Pinas ganun din ang warning. May nabasa akong blog na bugbog sarado yung girl though ilang blocks na lang yun sa bahay nila. As in the girl was shocked dahil napakabilis ng mga pangyayari, I think within Paranaque ata yun. Robbery ata ang dahilan. See, kahit nasa teritoryo mo na naagrabyado ka na, paano pa kaya kung nasa ibang bansa ka pa. Tsk.


Kaya, doble ingat, kung pede lang hundred times na pag iingat gawin natin. Lalo na tayong mga OFW, kelangan nating mag-ingat para sa mga mahal natin sa buhay.

Akala nyo masarap maging OFW? Hindi no!

MOOD: Kelan lang ako napadpad dito sa UAE, 3months? At kung tutuusin hindi pa ko ganap na OFW. Bakit? Kelangan daw kasi nakaregister ka sa OWWA as OFW. E kelan ko pa magagawa yun kundi sa pag uwi ko pa. Pero sa puso at isipan, at sa tingin ng ibang tao: “OO, OFW AKO!”

Akala ko dati, masarap ang maging OFW. Shempre dahil mas malaki ang pede mong kitain sa ibang bansa kesa sa Pilipinas. Tas pag uwi mo, sikat ka dahil iisipin ng mga tao maraming kang pera. Marami kang chocolates, appliances, damit, sapatos, de lata at kung ano ano pa galing abroad. Pero naisip ba ng mga tao kung anong klaseng buhay ang naranasan nya para lang magkaroon ang pamilya nya ng magandang buhay? Sa palagay ko hinde. Kung oo man, kaunti lang. Shempre dahil nasisilaw sila sa mga bagay na nabanggit ko.

Iba talaga kapag nasa Pilipinas o sa homeland mo. iba yung pag uwi mo ng bahay, makakarelax ka talaga. Feel at home, ika nga. Iba yung pakiramdam na sarili mong pamilya ang sasalubong sayo pag uwi at pagsisilbihan ka. (Nakakaamoy ka ba ng homesick? Ehehehe) Pero dahil nga ang priority mo sa pagiging OFW e ang sarili mong pamilya sa Pinas e talagang magtitiis tayo. *tiis tiis tiis*

Shempre trabaho din ang ipinunta mo kapag umalis ka ng Pinas. Mas maswerte ka kung yung sasahurin mo e napakalaki talaga. Pero kung mga ilang porsiyento lang tulad ng 10 to 30% ang itinaas ng sahod mo sa Pinas e wag na lang. Hindi praktikal dahil yung porsiyentong yun kayang kaya mong kitain in the future (e.g. increment o appraisal) sa Pilipinas. isipin mo na lang na makakahiwalay mo ang pamilya mo nang dahil sa ilang libo lang. Think about it.

Yung iba naman, naghahanap ng mapapangasawa para lang makapag abroad. Ay napakadali lang nun. Sign up ka sa yahoo messenger. Learn how to join chat room, be online everyday and viola! Ilang buwan lang o linggo me prospect ka na. Kung maging okay ang naging partner mo online eventually he/she will invite you to migrate to their place. And that’s it.

Hindi ko naranasang mag-exit. It comes when your visa (Tourist / Visit) is about to expire and you have to leave the country for a couple of days. After that, either employment (if you already have your employer )o kaya ay extended tourist visa ang ibibigay sayo. Sabi nga nila, kapag hindi ka nag-exit you missed half of middle-east life. Gusto ko sana itry if chances permitted me. Kaso dahil magaling ang PRO ng kumpanya namin, nagawan nya agad ng paraan ang employment visa ko. Kung mag eexit ka daw, its either Oman or Kish Island. Plano ko nun Oman kasi may kaibigan ako dun, so habang andun sana ako makakapamasyal ako ng kaunti. So wala akong idea kung sa Kish Island man ako mapunta. Sabi nila, magsstay ka daw sa hotel. Sabi ko bongga hotel ha? Pero ung hotel na yun marami kang makakasama na nag eexit din. Dun ka daw makakarinig ng malulungkot na karanasan. Meron daw dun ilang buwan nang naandun dahil wala silang nakitang trabaho nung ok pa yung visa nila. Yung iba naman, pinangakuan ng visa ng employer tas ayun tinaktbuhan din naman. Yung iba daw dun nagsusuicide dahil sa kawalan na ng pag asa. At ung iba, nagsisideline dun para lang may pambayad sa hotel. Imagine, yung kinikita nya sa sideline ay pambayad lang sa tinitirhan nya. naisip ko bakit hindi na lang sila umuwi ng pilipinas diba? I cannot say much about this kasi nga di ko naman naranasang mag exit. I’m still very lucky.

Sinasabi nila na ang tirahan daw sa dubai e parang bahay ng kalapati, pedeng totoo. Bakit? Sa sobrang mahal ng accommodation ditto, mapagtyatyagaan mo na lang talaga. Lalo na kung lagi ka na lang nagcoconvert sa bawat bili mo. Mahal talaga. Mura dito ang pagkain, kung tutuusin nga sa baryang 5dirhams e busog ka na. Pero kung icoconvert mo ang 5 times 12.52, 62.6php ang simpleng pagkain mo. The key: do not convert. Kasi kung lagi ka na lang magcoconvert baka dumating yung araw na hindi na ka talaga bumili. Ikaw na tong malayo sa pamilya, gutom ka pa. How pathetic! Tsk.

The good side of being an OFW:

  1. Good salary. You can give your family a good life.
  2. You are in a new place. Lahat sayo bago. Lahat katutuwaan mo. Pero pag nagtagal ka na e for sure magsasawa ka na.

Bad side:

  1. You and your family are MILES apart.
  2. Kung mahina ang loob mo, HOMESICK.
  3. If you need them, wala kang magagawa kundi ang magmukmok na lang.
  4. LDR (Long Distant Relationship). Kung mahina ang foundation nyo as couple. Asahan mo, tapos kayo. Muhahaha!


That’s my list for the meantime. I’ll just add some kung may mapansin o maramdaman ako.

Based lang to sa experience ko ha? Shukran!

Now, meet my fellas.


Tulad nga ng sinulat ko sa baba, tatambay kami at pagmamasdan ang sunset. Ngunit bigo! Dumating kami ng papalubog na talaga ang araw, tsk. But on the contrary, we still had fun. Mga kolokoy din pala sila. Game sa lahat. Kung wala lang siguro akong sakit e baka lalo pa kaming nag enjoy. I’m looking forward for another like this.


SO Meet my fellas:


Ate Mira and Kuya Allan

Ate Mira is the one who’s always taking care of me. Kahit mukang wala sa matinong pag-iisip yan e maaasahan yan. Siya din ang aking buddy sa Healthy Diet 101. Siya yung taong masarap kakwentuhan na kahit mapaos ka na kakasalita e ok lang. I learned a lot from her, seryoso. Kaya love na love ko yan.

At shempre si Kuya Allan. Ang prince charming ni Princess Mira. Gusto ko yung boses ni kuya kaya minsan tinatawag ko siyang DJ. Dahil love ni ate si kuya, love ko na silang pareho.


(Momi) Hawi at (Dadi) Jun

Kaya momi at dadi, dahil nung wala pa si ate mira sa kaharian e sila ang nagpapakain sakin. Maalaga din sila at tinuturing talaga nila akong anak (kahit 1yr lang ang tanda ni hawi sakin eheheh). Makulit yang dalawa na yan, laging nag uumabagan, charos! Hehehe!


But of course, no one can take my Ate Badeth’s place. My sister, cousin, friend, kaututang dila, shopping buddy at kakiskisan ng siko (teka me ganito ba?). Kahit nasa Ajman siya at ako dito sa Abu Dhabi, we still have time for chismisan hehehehe. Misyu ate!


All of them make my stay in UAE fun and exciting. Kaya bawas homesick heheh.


10 months to goooo!!

F-R-I-D-A-Y!

Since it is Friday tomorrow, me and my roommates are planning to have a relaxing day off. Nakakasawa naman kung lagi ka lang nasa kama tuwing walang pasok. Baka magka bed sore na ko nun. Also, I want to see how beautiful the Abu Dhabi is. Sabi ko kasi gusto kong tumambay sa tabing dagat while having a cup of coffee. Parang ang sarap namnamin ng ganun moment. Uber relaxing. I had my first attempt of this “moment” when I was in Japan 2 years ago. Yung veranda nung apartment ko tapat lang ng dagat. Ok sana kaso super lamig dahil winter season that time. At kahit me hawak ka ngang kape, kulang pa din yung init hehehe. Anyway, let’s go back to the topic. I’m also excited for tomorrow’s plan because I will use Asano for the second time. And since I will be hanging out with the two couples, I am planning to take prenuptial shots for them. Hindi na ata ako sanay pumitik hehehe. Well let’s just see. :)

And oh another thing! I made a list to-do for tomorrow.

1. Sleep a lot.

2. Help Ate Mira to cook spaghetti. (This will be my treat because I had my first salary.)

3. Clean the room.

4. Smile a lot.

5. Forget about work for a while.

6. LIVE LIFE TO THE FULLEST!!

Hope I could accomplish these tomorrow.

Have a great day ahead! (^o^)

About the Author


PART I

1. I love to sleep.

2. I love sweets pero dahil iyun ang dahilan ng pagkakasakit ko ngayon (as in ngayon habang sinusulat ko to), lie low na ko. Masama talaga pag sobra.

3. I love reading.

4. Been hooked to photography but not full time. Owned a Nikon D40x (Asano) and planning to take photography classes in the future. *crossed fingers*

5. Mahilig ako sa gadgets. Mahilig din akong manira ng sarili kong gadget.

6. I’m currently here in Abu Dhabi, UAE. Wala sa plano at dahil sa sobrang pangangailangan. Mahabang kwento.

7. I’m a victim of LDR (Long Distance Relationship).

8. I don’t know how to cook. Oo na badshot na ke biyenan to be. Saka na ko mag aaral hehehe.

9. I love make ups.

10. Kasalukuyan akong nasa trabaho at ginagawa ko to. Hehehehe!

Tentenenen Tenen!

Hindi ko alam kung pano ako magsisimula. Marami akong kaibigang writer pero hindi ako kabilang sa kanila,trying hard (ika nga). Pero hayaan ninyong subukan ko maging isa minsan, naks. Kung ano ang mga ilalagay ko dito, ayun ang hindi ko pa alam. Mas makulit ako sa tagalog dahil sa totoo lang, wala akong tiwala sa sarili ko pagdating sa English essays heheheh. Sana mag enjoy kayo kahit papano.

Bakit tboupt? Code yan. paanong code? Hindi ko sasabihin. I was just inspired by this fiction author named tooooot. Kapag sinabi ko kung sino yun, alam nyo na e. saka hindi din kayo magkakainteresado.

So paano ba yan? Rakrakan na!

Related Posts with Thumbnails