Facebook.com. Pinakasikat na online community sa panahon ngayon. I think it was established 2-3years ago at madali nyang nasapawan ang dating namamayagpag na Friendster.com. Tulad ng Friendster, maaari mong makita ang mga old and new friends mo. Pede ka din mag-add ng mga users kahit di mo sila personal na kakilala. You can add photos, videos etc. Teka, wala naman siguro sa atin ang hindi nakakaalam sa website na Facebook.
So what’s my damn point?
Marami ding naglilipana sa facebook na mga GROUPS at Fan Page. Mapaartista man o kung sino sino lang. Pagdating naman sa mga groups, kahit anong trip mong maging grupo e ok lang. wala naman kasing rules sa paggawa ng mga yun.
May isa akong sinalihang group, its something like JEJE BUSTERS. At first I enjoyed being with that group pero nitong huli lang, mejo naiinis na ko. They posts friendster private profiles whom they believe, jejemons. Ang hindi ko nagustuhan ay kung gaano kalupit (oo malupit talaga) ang mga members magcomment. Nakakabasa pa ko ng mga bad words tsk tsk. Talagang nakakairita pag magbabasa ka ng JEJEJE imbis na HEHEHE at marami pang mind boggling vocabulary. Pero it is their lifestyle. We are on a democratic country and we should respect each other “trip”. WALANG BASAGAN NG TRIP, ika nga. Kung ayaw mo ang trip nila then don’t mind them. You are not really affected the way they write (alangan naman pati pagsasalita e JEJE pa din heheh). They don’t affect how our president decides for our country or the oil price hike. And besides, tagabasa lang naman tayo diba? Hindi nyo ba naisip ang magiging pakiramdam ng mga taong pinopost nyo sa group nyo pag nalamang ginaganun nyo sila? Siguro sa iba, they don’t give it a damn pero pano sa nakakarami. Mga kabataan halos silang nakikiuso sa JEJEMON fever.
Eto pa, I saw this group, MGA BABAENG MUKHANG LALAKI. Ugh. Ang sakit isipin na babae pa ang naging subject nila. Siguro naman pede ding silang gumawa ng MGA LALAKING MUKHANG BABAE diba? I don’t know kung san nila pinagkukuha yun, o hindi kaya e sarili nilang mga friends un. Kung malulupit sa JEJEM BUSTER, mas malupit sila. Na akala mo ay sila na ang napakaperpektong nagawa ng dios. Sa totoo lang naaawa ako dun sa mga pinopost nila, mga walang kamuang muang na halos yurakan na ang pagkatao dahil sa kanilang itsura. Deymn. Guys before commenting like that, please make sure na 100% kahawig nyo si Brad Pitt, Anne Curtis, Bea Alonzo o si Piolo. Pero kung lamang lang kayo ng isa o dalawang paligo sa mga subject nyo, then shut your mouth. Pano na lang kung kayo yung mga asa picture? Think about it be please respect them.
If anyone from those groups read about this, WALANG BASAGAN NG TRIP. Hindi ko din babasagin ang trip nyo, blog at comment ko din to. Kaya peace out. Hehehe.
Shukran!